“Hindi biro ang 25 taon para sa isang institusyon na ang ganap na layunin ay ang maghatid ng de-kalidaf na serbisyo medikal para sa ating mga kababayan lalong-lalo na sa Tondo. Marami kayong napagdaanan at alam ko naman na pinagsikapan ninyong lahat na mapagpatagumpayan.”

Ito ang papuring iginawad ni Manila Mayor Honey Lacuna sa pamunuan ng Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) sa ilalim ng direktor nitong si Dr. Ted Martin, pati na rin sa mga opisyal at staff nito, sa pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo ng GABMC na ginanap sa Manila Hotel.
Ani Lacuna, hindi madali ang serbisyong ibinibigay ng mga opisyal at kawani ng GABMC sa lahat ng mga pasyente, partikular sa unang distrito ng Tondo at maging sa mga taga-ibang lugar na dumadayo dito sa loob ng nakalipas na taon.
Dahil diyan, pinasalamatan at pinagkalooban ni Lacuna ng pagkilala ang lahat ng bumubuo ng GABMC sa pangunguna ni Dr. Martin sa hindi matatawarang ambag nila sa pagkakaloob ng libre, de kalidad at buong-pusong serbisyo-medikal para sa mga residente ng Distrito Uno, lalo na noong kasagsagan ng pandemya.
“Napakalaki ng inyong ambag sa pagtawid natin ng marami sa ating kababayan mula sa pandemya. Patuloy din tayong nakaalalay sa marami nating pasyenyeteng sumasailalim sa dialysis sa pamamagitan ng ating Dialysis Center,” pahayag ni Lacuna sa kanyang mensahe.
Nasa pangangalaga ni Dr. Martin ang pinakalamalaking dialysis center hindi lamang sa buong Pilipinas kundi sa buong South East Asia. Nagbibigay ito ng libreng dialysis sa libo-libong mga pasyente maski na noong kasagsagan ng pandemya.
Bilang patunay ng walang-tigil na pagsisikap ng pamahalaang-lungsod at ng GABMC na makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo sa mga residente ng District 1 ng Tondo sa ilalim ni Dr. Martin ay binuksan din sa GABMC kamakailan lamang ang Infectious Diseases Unit (IDU) nito.
Ito ay kahalintulad sa binuksang kaparehong unit sa Sta. Ana Hospital na naging epektibo sa pagsawata sa kasagsagan ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi naman ni Dr. Martin: “As one of the best local government public hospitals in the City of Manila, we have come a long way. None of this would have been possible without the unwavering dedication of our administrative, medical and nursing staff as well as the continued support and guidance of our beloved Mayor Honey Lacuna-Pangan and the Government of Manila. We are trully grateful for the trust and support you have place in us. We will remain committed to upholding our mission of providing free quality and compassionate care to all need it.”
“We celebrate not only our past accomplishments but also our future aspirations that are in line with the vision of our Honorable Mayor for a Magnificent Manila.We look forward to continuing to serve our community for many more years to come, always striving to imporve and innovate in the pursuit of better health practices and outcomes for all.”














