NAANYAYAHAN ni Mayor Honey Lacuna ang lahat ng sports enthusiasts sa Maynila na makilahok sa libreng sports clinic na isinasagawa sa ilalim ng Manila Sports Council (MASCO) na pinamumunuan ni Roel de Guzman.
Sinabi ni Lacuna na ang sports clinic na tinawag na, “2nd Mayora Honey Lacuna Free Sports Clinic”, ay nasa ikatlo at huling linggo na. Ang unang clinic ay ginawa noong June 18 hanggang 19 habang ang ikalawang ay scheduled mula June 21 hanggang 22.
Ang nasabing programa ay binubuo ng basketball, badminton, karate-do, swimming at volleyball.
Ani Lacuna, layunin ng programa ma maturuan ang mga batang na wala pang 14 anyos ng fundamentals ng iba’t-ibang sports discipline para mailayo sila sa mga bisyo.
Anang alkalde, sa kabila na ang last day ng clinic ay June 22 ay maari pa ring magparehistro ang mga interesado.
Kasabay niyan, sa June 22 ay idaraos din ng pamahalaang-lungsod sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) na pinamumunuan ni Charlie Dungo, ang ‘Coronation Night of Miss Manila 2024: Woman of Worth.’ Ito ay gaganapin ng 7 p.m. sa Metropolitan Theater.
May kabuuang 24 kababaihan na pawang residente ng Maynila ang maglalaban-laban sa titulo ng ‘Miss Manila 2024’ at sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel at Kapuso star Gabbi Garcia ang magsisilbing hosts ng nasabing event.