Sina Mayor Honey Lacuna at First Lady Louise Araneta Marcos.

FIRST LADY, PINURI NI MAYOR HONEY SA MALASAKIT SA HEALTH SYSTEM NG PINAS

By: Jerry S. Tan

BINIGYANG- PAPURI ni Manila Mayor Honey Lacuna si First Lady Liza Araneta-Marcos dahil sa pagpapakita nito ng tunay na malasakit at pagsasagawa ng mga hakbang upang mapaunlad pa lalo ang health system sa bansa.

Sina (ikalawa mula kaliwa, pakanan) Mayor Honey Lacuna, DOH Secretary Ted Herbosa at First Lady Liza Araneta Marcos sa groundbreaking ceremony sa PGH.

Ginawa ni Lacuna ang pahayag nang samahan niya ang Unang Ginang sa isinagawang groundbreaking ceremony ng bagong Pediatric & Adult Specialty Building sa Philippine General Hospital (PGH).


Ayon kay Lacuna, na isa ring doktor, “Isang malaking karangalan ang makabahagi sa makasaysayang Groundbreaking Ceremony na ito, kung saan tayo ay naimbitahang makasama si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.”

“Ang kanyang presensya sa pagtitipong ito ay nagpapakita ng tunay na malasakit at suporta sa pagpapabuti ng sistemang pangkalusugan sa ating bansa. Lubos po ang ating pasasalamat sa imbitasyong maging bahagi ng kaganapang ito,” dagdag pa ng alkalde.

Ayon kay Lacuna, ang atensyon na ibinigay ng First Lady sa PGH ay isang ‘welcome development’ lalupa’t ang inaasahang higit na makikinabang dito ay mga taga-Maynila, kung saan ang nasabing ospital ay matatagpuan.


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like