HINIKAYAT ni Mayor Honey Lacuna ang mga film makers na lumahok sa ‘The Manila Film Festival (TMFF)’ ng Maynila dahil patuloy aniya ang pagtanggap ng lungsod ng mga entry para sa short films habang papalapit na ang deadline sa February 29, 2024.
Nananawagan si Lacuna sa lahat ng student filmmakers edad 18 pataas na lumahok, ito ay matapos buhayin ng pamahalaang-lungsod ang TMFF bilang ‘lively, creative hub for cinema’ sa pamamagitan ng department of tourism, culture and the arts (DTCAM) na pinamumunuan ni Director Charlie Dungo.
Ayon sa alkalde, mayroong awarding ng ‘Gawad Maynila’ film grant sa promising Filipino independent filmmakers at ang mga interesado ay maaaring bumisita sa www.themanilafilmfestival.com upang malaman ang buong detalye at mechanics.
Sinabi naman ni Dungo na ang submission of entries ay bukas sa lahat ng bonafide students mula sa private at state colleges at universities sa buong bansa.
Idinagdag pa nito na ngayong taon, ang tema ng TMFF 2024 ay ang ipagdiwang ang Maynila bilang ‘City of Infinite Possibilities and A Thousand Tales.’
Bagamat ang konsepto ng istorya ay dapat sa mismong aktwal na lugar sa Maynila, kinikilala na mayroong Maynila na naninirahan sa “Sphere of Dreams and Aspirations in the minds of Filipinos everywhere -all around our islands and even in the hearts of Pinoys abroad,” ayon kay Dungo.
Ani Dungo, ang entries ay dapat na may target running time na hindi bababa sa 15 minuto at hindi lalagpas sa 20 minutes (kasama na dito ang opening at closing credits) at ang lahat ng interesado na magsusumite ng kanilang entries ay maaaring mag-submit sa online sa www.themanilafilmfestival.com.”
Napag-alaman kay Dungo na ang lahat ng interesado ay kailangang magsumite ng mga sumusunod na requirements:story paper of the project containing the basic premise of the film; a short document stating the current stage or phase of the entries – (e.g., either Story/Script Development, Pre Production/Planning-kindly select only one of the two stages);a one-page synopsis/storyline of the film project; resume of the proponent/s;sample production work by the proponent (preferably as Director);two recent photos of proponent/s; related material based on above identified Production Phase, as follows: either a full shooting script or a highly detailed treatment; production plan; casting details; location details;production crew/staff details; equipment details.
Lahat ng mga lalahok ay maaaring magsumite ng hanggang tatlong entries. Gayunman, isa lamang entry sa bawat proponent ang maaring maging finalist.
Samantala, ang mga gawa sa principal photography o post-production phase bago mag February 29, 2024 ay disqualified.