NAGPALABAS si Manila Mayor Honey Lacuna ng Executive Order para umuwi ng maaga ang mga empleyado sa kanilang tahanan bilang paggunita sa “Kainang Pamilya Mahalaga Day” 2023.
Inanunsyo ni Lacuna sa flagraising ceremony nitong Lunes ng umaga na pinapayagan ng EO ang mga kawani ng lungsod na umuwi ng alas- 3 ng hapon.
Ito, ayon sa kanya, ay upang bigyan ng oportunidad ang kanya-kanyang pamilya na kumain sa hapag nang sabay-sabay at magkakasama.
“Kayo pong lahat ay ine-encourage na umuwi nang maaga at makasama ang inyong pamilya sa hapag-kainan,” sabi ng pangulo.
“Sa ganitong paraan ay nais din nating maipadama na tayo sa lungsod ay isang pamilya,” dagdag pa nito.
Bilang pangwakas ay pabirong sinabi ni Lacuna na : “kaya humayo kayo. Ayoko kayong makita sa mall. Take this as an opportunity to celebrate this day with your family.”