Latest News

(taas, mula kaliwa) Sina China Ambassador to the Philippines Huang Xi Lian, Manila Vice Mayor Yul Servo, Manila-China Cultural Affairs Office head Ati Co at FFCCCIII President Cecilio Pedro kasama sina (sa ilalim, mula kaliwa) Ma. Corazon 'Tammy' Tamayo, assistant department head ng department of tourism, culture and the arts (DDTCAM), consultant Kaye Cruz, Filipino-Chinese Youth Business Association founding President at MCCAO officer Peter Zhuang at Willord Chua ng MCDC. Nasa harapan nila si Manila City Administrator Bernie Ang. Kuha ang larawan sa pagsisimula ng 'Solidarity Parade' na isinagawa noong Chinese New Year's Day, February 10, 2024. (JERRY S. TAN)

DUMAGSA SA CHINATOWN CELEBRATIONS, PUMALO NG 1.5 MILYON

By: Jerry S. Tan

LUMAGPAS pa sa unang estimated one million at umabot ng 1.5 milyon ang mga taong nakiisa sa Chinese New Year celebration sa Manila Chinatown na pinangunahan nina Vice Mayor Yul Servo at City Administrator Bernie Ang at nagsimula sa pagsalubong sa ‘Year of the Wood Dragon’, hatinggabi ng February 9 na sinundan ng pagdaraos ng isang ‘Solidarity Parade’ sa mismong araw ng Chinese New Year kinabukasan (February 10).

Kumakaway si City Administrator Bernie Ang, kasama si Stephanie Ang, sa mga tao sa pagsisimula ng ‘Solidarity Parade’ mula sa meeting place sa Old Post Office building sa Lawton. (JERRY S. TAN)

Inihayag ni Ang na isang ‘malaking tagumpay’ ang naturang pagdiriwang na nilahukan ng mga residente at maging mga di taga-Maynila.

Ayon kay Ang, na siyang punong-abala sa dalawang araw na pagdiriang, patuloy ang pagdagsa ng mga pagbati o congratulations mula sa maraming Chinese organizations at embassies para sa administrasyon ni Mayor Honey Lacuna, dahil sa matagumpay na pagdaraos ng pinakamarangyang pagdiriwang ng Chinese New New Year sa lungsod, lalo na sa Manila Chinatown na siyang pinakamatanda at pinakamalaki sa buong mundo.


Sinabi din ni Ang na umabot sa 100,000 ang itinatayang dumalo para manood ng 12-minute musical fireworks display ay ginawa sa Chinese-Filipino Friendship Bridge na katapat ng Jones Bridge na siya namang nagsilbing ‘viewing deck’ at kung saan ginanap ang program para sa Chinese New Year countdown. Sakop ng bilang ang mga nasa tulay, sa esplanade at riverside.

Dumalo rin sina Congressman Joel Chua (3rd district, Manila), Manila-China Cultural Affairs Office (MCCAO) head Ati Co, Willord Chua ng Manila Chinatown Development Council, members ng Filipino-Chinese Youth Business Association sa pamumuno ni founding President Peter Zhuang na opisyall din ng MCCAO, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) President Cecilio Pedro, Manila Chinatown Barangay Organization head Jefferson Lau, at iba pa.


Sa pangunguna ni department of tourism, culture and the arts of Manila (DTCAM) chief Charlie Dungo, dumalo rin ang mga hepe ng iba’t-ibang departmento, ahensya at mga tanggapan sa Maynila at City Councilors, gayundin ang ilang provincial mayors sa pangunguna ni CalapanMayor Malou Morillo.

Sa ginanap na ‘Solidarity Parade’ noong February 10, sinabi ni Ang na ang kapal ng tao na lumagpas ng isang milyon ay matiyagang naghintay sa mga kalye patungong Chinatown, mula sa Lawton na starting point ng parada at nilahukan ng 30 floats na kumakatawan sa City of Manila at iba pang Chinese-Filipino organizations.


Sinabi rin Ang na maging ang China Ambassador to the Philippines Huang Xilian, na sumakay sa lead float kasama ni Vice Mayor Yul Servo, Manila-China Cultural Affairs Office head Ati Co at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) President Cecilio Pedro ay nasorpresa at natuwa sa napakaraming tao na nag-aabang sa mga kalye para i-welcome ang parada.

Ang mga sakay ng floats ay naghahagis ng mga ‘goodies’ at ‘angpao’ na may lamang pera at iba pang items na ma may kinalaman sa Chinese New Year celebration.

Ilang beses na kinailangang huminto ang parada dahil sa napakaraming tao na nag-uunahan para makalapit sa floats upang kunan ito ng litrato at magselfie. .

Unang huminto ang parada sa loob ng 30 minuto, nang ang lead float ay nagsimulang pumasok sa Ongpin Street , na siyang sentro ng Chinatown. Ilang beses ding huminto ang parada sa kahabaan ng dinaanan nito at ang ruta na dapat sana ay 30 minutes lang ang ang biyahe ay umabot ng apat na oras.

Ang dalawang araw na pagdiriwang ay pangkalahatang naging payapa at maayos at maituturing na isang malaking tagumpay. Ang nasabing pagdiriwang ay simula lamang umano ng inaasahang mas engrandeng selebrasyon sa susunod na buwan, kung kailan ipagdiriwang naman ang ika-430th anniversary ng Manila Chinatown.

Tags: City Administrator Bernie Ang

You May Also Like

Most Read