PARA sa fully- functional Integrated Hospital Management and Information System (IHOMIS) alinsunod sa inirerekomenda ng Department of Health (DOH), tinanggap ni Mayor Honey Lacuna para sa Sta. Ana Hospital (SAH) ang computer workstations and dedicated server na nagkakahalaga ng P2.7 million.
Si Lacuna ay sinamahan ni SAH Director Dr. Grace Padilla sa pagpapasalamat sa La Filipina Uy Gongco Corporation (LFUGC) sa ilalim ng liderato nito na si Cluster Head for Livestocks Gerald Jone Uy Gongco, para sa kanilang ‘generous and invaluable donation to the City of Manila’ dahil ito, ayon sa alkalde, ay lubhang importante sa healthcare system ng lungsod.
Binigyang-pagkilala ng lady mayor ang tulong ng pribadong sektor sa pagpapanatili ng mga city-run hospitals. Mula sa ulat ni Director Padilla, nabatid na maging sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, ang LFUGC ay walang tigil sa kanilang pagtulong.
Napag-alaman na noong panahon ng COVID-19 pandemic, ang mga kawani ng SAH ay tumatanggap ng palagiang supply ng tinapay, maliban pa sa Emergency Room dividers na ginagamit sa mga pasyente ng COVID-19.
Sa kanyang banda, sinabi ni Padilla na sa panahon ngayon ng digital technology, ang tinanggap nilang computer workstations and dedicated server ay malaki ang maitutulong sa pang-araw-araw na operasyon at pag-aalaga sa mga pasyente at dahil dito ay higit na makapagbibigay ang SAH ng mas de kalidad na healthcare services sa mga Manileño.
Nagpahayag din siya ng labis na pasasalamat kay Lacuna sa ‘di mapapantayang liderato at suporta nito upang maisakatuparan ang pananaw.
“It is through her inspiration dedication and commitment that Sta. Ana Hospital continuously strives for health excellence for a Magnificent Manila,” pahayag nito.
“La Filipina Uy Gongco Corporation’s donation is not just a gift of technology, but a gift of hope, progress,and a brighter future for the people of Manila.”
“This generous gesture demonstrates the power of collaboration between the private sector and the local government, and how, together, we can achieve remarkable milestones,” dagdag pa nito.
“Today we gather to express our heartfelt gratitude and appreciation to This act of benevolence is a testament to their commitment to improving our community and the lives of our patients, ” saad pa ni Padilla.
Sinabi pa ng alkalde na, base sa ulat ni Padilla, ang donasyon ay napakalaki ng maitutulong sa day-to-day operations ng SAH, para sa mas mabilis at episyenteng pagbibigay ng servisyo sa mahihirap na pasyente.