NAKATANGGAP na naman ng parangal ang Lungsod ng Maynila sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Honey Lacuna bilang nag-iisang local government unit (LGU) na may “highest Konsulta first patient encountered” sa PRO-NCR Forward PULSE Program ng Philhealth NCR and Rizal nitong Miyerkules, November 20, 2024.
Personal na tinanggap ni Manila Mayor Honey Lacuna, na isang propesyunal na doktor, ang nasabing karangalan, kasama si Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan.
Ayon kay Lacuna, ang pagkilala ay isang patunay sa kagalingan ng pamahalaang-lungsod na makapagbigay ng libre at de kalidad na ‘healthcare’ sa lahat ng indibidwal sa lungsodm nang naaayon sa Universal Health Care Law.
Binanggit ni Lacuna ang mga sakrispisyo ng mga nagtatrabaho sa likod ng tuloy- tuloy na pagpunta sa lahat ng sulok ng lungsod upang maabot lamang ang bawat isang Manileño, para maiwasan ang mga mga nakamamatay na sakit.
Ito, ayon sa kanya ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtutulak ng konsultasyon para sa maagang pagtukoy ng isang sakit bago pa ito lumala.
“An ounce of prevention is worth a pound of cure,” ani Lacuna.
Ang mga libreng serbisyo na available sa 44 health centers ng lungsod ay kinabibilangan ng medical consultation, laboratories, x-rays, ulltrasound, ECG at mga gamot.