NA-SHOCK ang mga paparating na pasahero sa NAIA Terminal 3 nang magsabunutan ang dalawang babaeng opisyal ng Bureau of Immigration (BI).
Naganap ang sabunutan dakong 9 p.m. ng September 22, 2026 sa immigration counter, sa harap mismo ng mga pasahero at habang ‘peak hour.’
Diumano, ang rason ng pag-aaway ay may anggulong ‘romantic’ dahil ang sangkot ay iisang lalaki.
Nilapitan at kinompronta umano ng isa ang kalaban niya na nagvi-video sa kanya gamit ang cellphone.
Nagkaroon ng away nang sinubukang hablutin ng isa ang cellphone ng isa pa, na nagresulta sa sabunutan.
Natapos lamang ang away nang pumagitna ang iba pang BI personnel.














