Magpapatupad ng dalawang araw na ‘liquor ban’ sa bisinidad ng Tondo at Pandacan simula Enero 14 at 15 kaugnay ng pagdiriwang ng Pista ng Sto Niño.
Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 3 inisyu ni Manila Mayor Honey Lacuna kung saan bawal ang pagbebenta ng.alak.
Ayon kay Princess Abante, spokeperson ni Lacuna, sakop ng liquor ban ang mga lugar sa Sto. Nino de Tondo Parish at Sto. Nino Parish sa Pandacan para na rin matiyak na magiging mapayapa ang pagdiriwang ng Pista ng Sto.Niño sa Enero 15,2023.
Gayundin, sinabi ng alkalde na istriktong ipatutupad ang City Ordinance 5555 na nagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar gaya ng kalsada at mga eskinita.
Inatasan ni Lacuna si Manila Police District (MPD) Director PBGen. Andre Dizon na tiyakin na maipatutupad ang liquor ban at Ordinance 5555..
Samantala,isinagawa naman kahapon (Enero 13 ) ng alas-4 ng hapon ang send-off ceremony ng may 300 miyembro ng MPD na magbibigay ng seguridad sa Pista ng Sto.Nino sa Plaza Hernandez, Tondo, Maynila.
Tiniyak ni Dizon na maipatutupad nang maayos ang mga nasabing pagbabawal na nilalaman ng EO ng alkalde. (JERRY S. TAN)