Dahil sa inaasahang pagpalo sa 43°C ng heat index level sa lungsod na itinuturing na mapanganib para sa mga mamamayan, iniutos ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagsuspindi sa face-to-face classes sa buong Maynila sa Miyerkules, Abril 24, 2024.
Batay sa inilabas na abiso kahapon ng Manila Public Information Office na pinamumunuan ng tagapagsalita ni Lacuna na si Atty. Princess Abante, sakop ng nasabing kautusan ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.
“This is due to the forecasted danger heat index level of 43°C according to the Manila Disaster Risk Reduction Management Office,” ayon pa sa advisory ni Abante.
Kasabay nito ay inatasan ni Lacuna ang lahat ng paaralan na magdaos na lamang ng asynchronous classes para sa nasabing araw.














