Si Mayor Honey Lacuna kasama sina (kaliwa) Congressman Irwin Tieng (5th district) at Vice Mayor Yul Servo kasama ang mapalad na tumanggap ng lot award. Kasama rin nila sina Councilors Charry Ortega at Boy Isip. (JERRY S. TAN)

DAAN-DAANG MANILENYO, TUMANGGAP NG LOTE MULA KAY MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Patuloy sa pagdami ang bilang ng mga taga-Maynila na walang kinagisnang sariling lupa ang ngayon ay mayroon nang sarili lupa sa ilalim ng ‘Land for the Landless’ program ni Mayor Honey Lacuna, kung saan patuloy ang pagkakaloob ng mga lote sa mga karapat-dapat na residente.

Sa loob ng ilang araw lamang kamakailan ay umabot sa mahigit na 300 lote ang naipamahagi ni Lacuna sa mga mapalad na residente mula Districts 2, 4 at 5 sa Tondo, Sampaloc at San Andres, Manila, ayon sa pagkakasunod-sunod.


Sinamahan si Lacuna nina Vice Mayor Yul Servo, Congressmen Irwin Tieng (5th district) at Rolan “CRV” Valeriano (2nd district); Tondo Councilors Dr. J Buenaventura, Roma Robles, Uno Lim at Macky Lacson kasama ang kanyang anak na si Marc at gayundin nina District 5 Councilors Charry Ortega at Boy Isip pati na din sina Secretary to the Mayor Marlon Lacson, Manila Urban Settlements Officer-in-Charge Atty. Danilo De Guzman at iba pang opisyal ng ruling party ng lungsod na Asenso Manileño.

Umabot sa 99 pamilya mula sa District 5 ang tumanggap ng kanilang lote kabilang na ang 18 mula sa Sampaloc. Ang awarding ay ginawa sa Our Lady of Loreto Church sa Sampaloc at
Anakbayan Covered Court.

Bago niyan ay 184 pamilya mula sa Anthony YK Estate, Lico Estate at Fajardo Estate ang nakatanggap ng lote sa isang simpleng seremonya na ginanap sa held at Brgy. 152 sa Tondo, Manila nitong July 19.


Sinabi ni Lacuna na ang mga recipients ay binubuo ng mga residente, lalo na ng mga informal settler families, na matagal nang naninirahan sa loteng ipinagkakaloob sa kanila.

“Kami po ay natutuwa na maging bahagi ng katuparan ng kanilang mga pangarap na magkaroon ng sariling lupa. Ang paggawad ng mga lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay ay pangarap din namin para sa kanila,” pahayag ni Lacuna.


Sa nasabing bilang, 133 ay residente ng YK estate sa loob ng 20 years; 24 ay residente ng Lico estate; 17 naman ay mula sa Fajardo Estate at 10 ay awardees ng lote mula sa apat na iba pang estates.

Tiniyak ni Lacuna ang paga-award ng nasabing lote sa mga deserving na pamilya ay magtutuloy-tuloy sa ilalim ng kanyang admnisitrasyon at ang lokal na pamahalaan ay naglaan ng special budget para mabili ang mga nasabing lote at maipagkaloob sa mga residente.


“We will keep implementing the Land for the Landless’ program for a long as the city still has lots to award to waiting beneficiaries because housing is a key component of our vision to make Manila livable and whole,” ani Lacuna.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like