Latest News

‘CRIME OF PASSION’? — SUNDALO, PATAY SA AMBUSH NG KABARONG SUNDALO

By: Victor Baldemor Ruiz

‘CRIME of passion’ ang isa sa mga anggulong sinisilip ng Tagum City PNP homicide probers sa naganap na pananambang ng isang sundalo sa kapwa niya sundalo noong nakalipas na linggo sa nasabing siyudad, ayon sa pulisya.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang sundalong si Jayson Cawayan, residente ng bayan ng Montevista, Davao de Oro matapos barilin ng kapwa sundalo habang sakay ng kanyang motorsiklo.

Lumilitaw sa sinagawang imbestigasyon na sakay ng motorsiklo ang 34- anyos na biktima at backride nito, isang hindi muna kinilalang babae, nang biglang pagbabarilin ng suspek na lulan rin ng motorsiklo pagsapit sa bisinidad ng Purok Santol, Barangay La Filipina bandang alas -9:30 ng gabi.


Ayon kay Acting Tagum city police chief Lt. Col. Jeffrey Latayada, nagawa pang maitakbo sa pagamutan ang biktima na miyembro ng Philippine Army 10th Infantry Division subalit idineklara itong dead- on -arrival sanhi ng mga tinamong tama ng punglo .

Sinasabing nakita at namukhaan ng babaeng kasama ng biktima ang suspek na kinilalang si Cpl. Reibong Medalla kaya agad na nahuli ito sa isinagawang ‘hot pursuit operation’ ng mga awtoridad.


Hindi naman nasugatan ang angkas na babe ng biktima habang nagawa pang makalayo ng suspek sakay ng motorsiklo na minamaneho umano ng isa pang lalaki.

Hawak na ng Tagum City police ang suspek, matapos na sila ay makipa- ugnayan sa ilang military personnel mula sa kalapit na Army camp at nahaharap sa kasong murder habang nagpapatuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat kaugnay sa kasong kakaharapin ng suspek.


Tags: Tagum City PNP

You May Also Like

Most Read