Crime of Passion… PARAK, TIGBAK SA KAPWA PARAK

By: Victor Baldemor Ruiz

PATAY ang isang pulis matapos pagbabarilin ng isa ring pulis nang dahil umano sa selos, ayon sa ulat ng pulisya sa Bacolod City nitong nakalipas na linggo.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Police Staff Sgt. Jotham Arrem Tuto, 31, ng Sagay City, Negros Occidental, at nakatalaga sa Mobile Patrol Unit (MPU) ng Bacolod City Police Office (BCPO).

Kinilala naman ang suspek na si Police Patrolman Alvin Rios na nakatalaga sa Mobile Force Company ng Iloilo Police Provincial Office at naninirahan sa Barangay Bugnay, Valderrama sa Antique.


Binaril umano ng suspek ang biktima gamit ang service firearm nito nang makita niya ito at ang kanyang dating live-in partner sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay sa Barangay Tangub.

Ayon kay Police Major Eugene Tolentino, hepe ng Police Station 8, sinubukan pang pakalmahin ng biktima ang suspek ngunit binaril pa rin niya ito.

Nagawa pang madala sa pagamutan ang biktima subali’t idineklarang patay na ito nang idating ng mga rumesponde sa crime scene.

Narekober sa crime scene ang .9mm caliber na pistola, dalawang fired cartridges at apat na magazine na may bala


Kasalukuyang naka-detine ang suspek sa custodial facility ng Police Station 8 habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.

Tags: Bacolod City Police Office (BCPO)

You May Also Like

Most Read