Latest News

Sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa Elderly Month celebration na ginanap sa Palacio del Gobernador.

BUWANANG ALLOWANCE NG 203K SENIOR CITIZENS SA MAYNILA, DODOBLEHIN MULA 2025 — MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Magandang balita para sa 203,000 senior citizens sa Maynila.

Inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na mula sa Enero 2025 ay dodoblehin na ng Manila City Government ang buwanang pinansiyal na tulong para sa senior citizens, kung kaya’t ang dating P500, ay magiging P1,000 kada buwan na.


Layunin aniya nitong madagdagan ang financial capacity ng mga lolo at lola na akabili ng kanilang mga pangangailangan tulad ng medisina at iba pa.

Sa kanyang talumpati sa Elderly Month celebration sa Palacio del Gobernador, sinabi ni Lacuna na base sa plano, ang mga senior citizens ng lungsod ay tatanggap na ng P3,000 kada tatlong buwan o kada quarter.

“Hindi ako mahilig mangako. Pag ako nangako, tinutupad ko. Ang ginagamit ko puso, hindi nguso,” anang lady mayor .


Hiniling rin ni Lacuna sa mga senior citizens na naroroon na ipakalat ang magandang balita sa kanilang kapwa lolo at lola.

Kaagad namang sinabi ni Lacuna kay Vice Mayor Yul Servo, na naroroon din sa naturang pagtitipon, na agad na asikasuhin ang ordinansa na siyang magbibigay-daan upang maipatupad ang nasabing cash aid increase.


“Vice Mayor Yul, alam mo na ang gagawin mo,” sabi ni Lacuna kay Servo, na mabilis din namang tumugon nang positibo.

Ayon sa alkalde, ang increase sa allowance ng seniors ay resulta ng pagsisikap ng pamahalaang- lungsod na linisin ang listahan ng senior citizens mula sa mga hindi na nakatira sa Maynila at lumipat na ng ibang tirahan o di kaya ay yumao na.


Ang probisyon para sa allowance ng mga senior citizens ay naging epektibo sa pagpasa ng social amelioration program (SAP) ordinance ng Manila City Council, sa pamamagitan ng pagtitimon ni Lacuna noong siya pa ang vice mayor at concurrent Presiding Officer ng Manila City Council.

Ang nasabing ordinansa ay ipinasa noong panahon ng pandemya, kung saan nagpapatawag si Lacuna ng sessions kahit weekend o holiday, depende sa importansiya ng ordinansa na kailangang ipasa para sa banepisyo ng mga Manileño.

Kabilang din sa SAP ang pagkakaloob ng buwanang financial asisstance sa mga solo parents, persons with disability at nga estudyante mula sa dalawang pamantasan na kinabibilangan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM).



Nang maging alkalde si Lacuna ay hiniling niya sa sa Konseho na magpasa ng ordinansa na kung saan isasama na ang mga minors with disability (MWDs) bilang SAP beneficiaries.

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like