Bugaw ng 15-17 anyos babae sa singil na P5k kapalit ng sex, arestado ng NBI

DINAKIP ng National Bureau of Investigation -Anti Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) ang isang babaeng bugaw sa entrapment operation lamakailan sa Pasig City na nagbebenta ng mga 15-17 anyos na kabataang babae para makipagtalik kapalit ng halagang P5,000.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9208 as amended by R.A. 10364 at R.A. 11862, kilala bilang “Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022” at R.A. 7610, kilala bilang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation,ang suspek na si Jenalyn Joy Hierco.


Sa isinagawang imbestigasyon ng NBI-AHTRAD, isa umanong Myka ang nagre-recruit at naga-alok ng mga menor de edad sa online sa kanyang mga parukyano para sa isang sexual exploitation, kapalit ng pera, sa Pasig City.

Napag-alaman na umaabot sa P5,000 ang bayad sa mga kabataang nasa edad 15-17 sa pakikipagtalik.

Nagawa ng NBI na ma-kontak si Myka sa Facebook at nakipagkita ito sa isang restaurant sa may Shaw Boulevard, Pasig City.


Noong Agosto 25 nakipagkita si Hierco na kasabwat umano ni Myka sa mga ahente ng NBI .Ilang sandali pa ay dumating na ang mga menor de edad para pagpilian.

Nang iabot ang pera kay Hierco ay dito na inaresto si Hierco ng NBI ay dinakma.


Nasagip naman ang anim na kababaihang kinabibilangan ng limang menor de edad at dinala sa kustodiya ng lokal na Social Welfare Department. (Carl Angelo)


Tags: National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD)

You May Also Like

Most Read