Naglabas si Mayor Honey Lacuna ng Executive Order 36 na nagbabawal sa mga pribadong household na magkaroon ng sariling fireworks display. (JERRY S. TAN)

BAWAL ANG PAPUTOK SA MGA PRIBADONG TAHANAN LAMANG — MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Nagpalabas ng Executive Order 36 si Mayor Honey Lacuna na nagbabawal sa mga private households sa Maynila na magsagawa ng kanilang sariling fireworks display.

Ayon kay Lacua, nakasaad din sa nasabing order ang iba pang mga pagbabawal at ang pagpapahintulot ng fireworks display permitted staging areas lamang na dapat ay may kaukulang special permits na inaplayan tatlong araw bago ang event at ang permit ay imula sa Bureau of Permits.


Ang pamahalaang lungsod ay naglabas din ng listahan ng mga uri ng firecrackers at pyrotechnic devices na papayagang gamitin sa community fireworks diplay areas at ang impormasyon ay naikalat na sa mga barangay sa pamamagitan social media accounts ng pamahalaang-lungsod.

Ang mga ipinagbabawal para gamitin, i-manufacture, ibenta o ipakalat sa Maynila ay ang mga paputok o fireworks na walang kaukulang labels; mga nagtataglay ng sulfur o phosporus na me halong with chlorates; mga ‘oversized’ na may maiksing fuse na nagde-detonate ‘in less than three seconds’ at iba pa na maaring maglagay sa panganib sa buhay at mga parte ng katawan gaya ng kamay at batay sa ipinagbabawal ng Philippine National Police.

Ayon sa alkalde, ang applicants para sa permits ay kinakailangang sumunod sa safety guidelines bago, habang at matapos ang fireworks display.


Kabilang dito ang pagkakaroon ng standby firetrucks at medical personnel, lima o higit pang lookouts o security guards na nakapwesto sa strategic areas para magsilbi bilang fire suppression team kung sakaling magkakaroon ng sunog.

Iniaatas din ng EO ang maayos na pagtatapon ng debris at waste fragments pagkatapos ng event.


Binigyang-diin din ni Lacuna na ang mga binigyan ng permits ay binabalaan laban sa paggamit ng mga fireworks na hindi nakasaad sa kanilang application. Ito aniya ay illegal at maaring maging dahilan ng blacklisting o pag-ban sa mga proponent para sa kanilang future applications.

Ani Lacuna, may naghihintay na multa at kaparusahan sa mga lalabag sa mga pagbabawal na nakasaad sa kanyang EO.


Idinagdag pa ng alkalde na ang kanyang inilabas na EO ay bunsod ng dumaraming kaso ng firecracker-related injuries habang nalalapit ang pagdiriwang ng Bagong taon at upang mabigyang-proteksyon ang mga tahanan, structures at mamamayan laban sa sunog at disgrasyang dulot ng mga bawal na paputok.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like