Latest News

Hinihimok ni Mayor Honey Lacuna ang mga barangay officials ng Maynila na dumalo sa mga seminar ukol sa pamamahagi ng social pension. (JERRY S. TAN)

BARANGAY OFFICIALS, PINADADALO SA SEMINAR UKOL SA SOCIAL PENSION

By: Jerry S. Tan

NANAWAGAN si Mayor Honey Lacuna sa lahat ng kinauukulang barangay officials sa lungsod ng Maynila na dumalo sa seminar na tatalakay sa mga guidelines ukol sa wastong pamamahagi ng social pension.

Sa isang memorandum, sinabi ni Lacuna na lahat ng punong barangay at treasurers ay kailangang dumalo ng nasabing seminars na itinakda sa ilalim ng pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR).

Sinabi ni Lacuna na tatalakayin sa seminar ang mga proseso sa pag-release ng undertaking, cash-out, pay-out at liquidation ng social pension sa ilalim ng DSWD-NCR na sumasakop sa buwan ng January hanggang July ng kasalukuyang taon.

Ang mga itinakdang schedule ng seminars ay ang sumusunod:Districts 1, 2, 3 – July 11, 2024 (Thursday), 9 a.m. to 12 pm; Districts 4, 5, 6- July 11, 2024 (Thursday), 1 p.m. to 4 p.m. Ang nasabing seminars ay pawang gaganpin sa San Andres Sports Complex sa sa Malate, Maynila

Samantala, ang mga barangay naman na walang social pensioners ay hindi na kinakailangan pang dumalo sa mga itinakdang seminars.

Tags:

You May Also Like

Most Read