Si Mayor Honey Lacuna (ikalawa mula kanan) nang pangunahan ang inauguration ng bagong R. Almario Elementary School sa Tondo. Kasama niya sina (mula kanan) former Mayor Isko Moreno, Congressman Ernix Dionisio, DCS Supt. Rita Riddle, City Engineer Armand Andres at (kaliwa) Councilor Irma Alfonso. (JERRY S. TAN)

BAGO AT MODERNONG R. ALMARIO ELEMENTARY SCHOOL SA TONDO, PINASINAYAAN NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagpapasinaya ng newly-rehabilitated, ten-storey Rosauro Almario Elementary School (RAES) kung saan humigit-kumulang sa 7,000 estudyante mula sa Tondo ang nakatakdang makinabang.

Kasama ni Lacuna sa ginanap na ribbon-cutting ceremony sina Congressman Ernix Dionisio, Jr. (first district), City Engineer Armand Andres, Councilors Irma Alfonso, Bobby Lim, Ian Nieva, Nino dela Cruz at Marjun Isidro, division of city schools superintendent Rita Riddle, school principal Graciano Budoy at dating Mayor Isko Moreno na produkto ng nasabing paaralan.


Ayon kay Lacuna, sa pamamagitan ng rehabilitasyong isinagawa sa nasabing paaralan, ang mga estudyante ng RAES ay makakaranas nang gumamit ng maganda at makabagong mga pasilidad at magkakaroon ng mas magandang environment para sa pag-aaral na kagaya ng mga pribadong paaralan.

Ang tanging hiling umano ni Lacuna sa mga estudyante, faculty members at iba pang gagamit ng paaralan ay paka-iingatan ito upang mapakinabangan din ng mga susunod na henerasyon ng mag-aaral sa RAES.

Napag-alaman kay Andres na ang bagong gusali ng RAES ay may 227 classrooms na pawang fully-airconditioned, 12 offices, new library, canteen, auditorium, gymnasium, dalawang outdoor basketball court na may retractable goal convertible sa football field, dalawang roof deck outdoor sport at exercise area, walong elevator unitsna may kapasidad para sa 24 katao bawat isa at pitong stairs node


Bukod sa RAES, isinailalim din sa parehong uri ng rehabilitasyon ang Dr. Alejandro Albert Elementary School at Manila Science High School.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read