Si Mayor Honey Lacuna (kanan) kasama si Manila North Cemetery Director Yayay Castaneda sa pagmo-monitor ng All Saints' Day operations na nakapagrehistro ng higit isang milyong bisita. Nasa likod nila sina City Engineer Armand Andres at Nicole Amurao, hepe ng department of public services. (JERRY S. TAN)

BACK TO NORMAL NA ANG OPERASYON SA MANILA NORTH AT SOUTH CEMETERIES — MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

INIHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna na balik na sa nornal na operasyon ang dalawang sementeryong pinatatakbo ng lungsod.

Ayon sa alkalde, ang Manila North Cemetery (MNC) sa Blumentritt at Manila South Cemetery (MSC) sa Makati City ay nagpapasok na ng mga kotse at wala nang masyadong mahigpit na inspections sa gate gaya ng mga nakaraang araw.

Gayunman, ipinaalala ni Lacuna patuloy pa ring ipinagbabawal ang pagdadala ng baril, bladed weapons, illegal drugs at flammable materials.


Nabatid na patuloy pa rin na dinadagsa ng mga bisita ang dalawang nabanggit na sementeryo na operational na ulit mula 8 a.m. hanggang 5 p.m., para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Ito ay matapos na mahigit na dalawang milyong katao ang bumisita dito noong mga nakaraang araw.

Samantala, sinabi ni Yayay Castaneda, Director ng MNC, na puwede na uling papasukin sa loob ng sementeryo ang mga bata at mga alagang hayop, pati na rin ang mga pagkain.


Sa ulat na isinumite ni Castaneda, sinabi ng alkalde na sa panahon ng ‘Undas’ mula October 29 hanggang November 2, 2023, ang MNC, na siyang pinakamalaking sementeryo sa metropolis, ay nakapagtala ng 1.5 million katao na dumalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ang MSC, sa kabilang banda ay nakapagtala naman ng kabuuang 560,595 bisita sa loob ng parehong panahon.


Sinabi ng alkalde na ang dahilan ng napakaraming bilang ng mga bumisita sa dalawang sementeryo sa Maynila ngayon ay dahil na rin sa inalis nang mga health security protocols.

Pinasalamatan ni Lacuna ang lahat ng mga tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa nasabing dalawang sementeryo, partikular ang mga kawani ng sementeryo at ang daan-daang kapulisan ng Manila Police District na nagbantay sa dalawang nabanggit na lugar sa paggunita ny All Saints Day at All Souls’ Day.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like