Latest News

Inanunsiyo ni Mayor Honey Lacuna ang pagsasagawang 'asynchronous classes' sa lahat ng public schools sa Maynila sa susunod na linggo. (JERRY S. TAN)

Asynchronous classes ipatutupad sa Maynila March 6-11

Iniutos ni Manila Mayor Honey Lacuna,ang pagdaraos ng “asynchronous classes” o online class sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan sa Maynila mula sa Lunes,Marso 6 hanggang sa Marso 11, 2023.

Sa public advisory ni Lacuna na ibinigay sa media ng kanyang tagapagsalitang si Atty. Princess Abante, ito umano ay dahil sa nakaambang transport strike sa National Capital Region (NCR).

Layunin nito na di maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante at upang makaiwas ang mga ito at guro na ma-stranded sa kalsada

Hinikayat rin ni Lacuna ang mga pribadong paaralan na mag-switch sa online class sa nabanggit na panahon.

Ang direktiba ay sumasakop sa lahat ng mahigit na 100 pampublikong paaralan sa lungsod sa lahat ng antas mula March 6, 2023 hanggang March 11, 2023 o Lunes hanggang Sabado. (JERRY S. TAN)

Tags:

You May Also Like

Most Read