Sinabi ni Mayor Honey Lacuna na ang pagkikita nila nina Vice President Duterte at Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo at Asenso Manileno officials ay isa lamang 'social meet'. (JERRY S. TAN)

Asenso Manileño, VP Sara at Rep. GMA, nagsalo-salo

NAGSAMA-SAMA ang Asenso Manileno team na binubuo ng mga halal na opisyal ng lungsod at pinangungunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna kasama sina Vice President Sara Duterte at dating Pangulo na ngayon ay Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo sa isang pagsasalo-salo kelan lamang..

Ang nasabing pagsama-sama ay naganap sa pamamagitan ng ‘informal dinner’ na ginawa sa isang pribadong lugar at dinaluhan ng highest-ranking officials ng Maynila, kung saan mismong si dating Pangulong Arroyo ang nagsilbing host at kumbidado naman ang grupo ni Lacuna.

Kasama ni Lacuna na dumalo sina Vice Mayor Yul Servo-Nieto, Congressman Ernix Dionisio (first district), Congressman Rolan “CRV” Valeriano (2nd district), third Dist. Congressman Joel Chua, Cong. Irwin Teng (5th) at sixth District Congressman Benny Abante.


Ayon kay Lacuna, walang halong pulitika ang naganap na pagtitipon at ito ay isang purong ‘social meeting’ lamang.

Nabatid na ang nasabing meeting ay inayos ng parehong kaibigan ng dalawang kampo.


Nauna rito, si Lacuna at ang kanyang team ay nakipagpulong naman kay President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. Sa Malacanang Palace para sa isang courtesy visit.

Sa nasabing pulong ay sinabi ng Pangulo kay Lacuba na isa rin siyang ‘constituent’ ng Maynila dahil ang kanyang tanggapan ay nasasakupan ng kabisera ng bansa.


Ang pagbisita sa Palasyo ay ang tugon nina Lacuna sa panawagan ng BBM-Sara administration para sa pagkakaisa. (JERRY S. TAN)

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read