Inihayag ni Mayor Honey Lacuna ang pagkakaroon ng arawang 'flushing operations' sa mga lugar na puntahan ng tao lalo ngayong Kapaskuhan. (JERRY S. TAN)

ARAWANG ‘FLUSHING OPERATIONS’ INIUTOS NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

INATASAN ni Mayor Honey Lacuna sina Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) head Arnel Angeles at department of public services (DPS) chief Kayle Nicole Amurao na araw-araw magsagawa ng ‘flushing operations ‘sa mga abala at matataong lugar sa lungsod upang tiyaking ligtas at malinis ang mga ito para sa inaasahang pagdagsa ng mga tao lalo’t papalapit na ang Kapaskuhan.

Nabatid na ang daily flushing na ginagawa ng MDRRMO’s Operations Team at DPS ay nagsimula na noong Biyernes sa Recto-Divisoria area at sasakupin ang iba pang mga lugar kung saan nagpupuntahan ang bulto ng mga tao para gawin ang kanilang Christmas shopping tulad ng Quiapo, Blumentritt at iba pa .


Ayon pa kay Lacuna, layunin ng arawang flushing operations ang maiwasan ang mga sakit na dala ng maruming kapaligiran at upang tiyaking protektado ang publiko sa panganib na dulot ng madulas na daan at naiipong dumi na nagiging putik.

Samantala, hinikayat ni Lacuna ang mga dadayo sa mga busy shopping areas sa lungsod na maging alerto at kaagad na iulat ang anumang kahina-hinalang gawain na kanilang makikita.

Sinabi ng alkalde na may sapat na police visibility sa lahat ng mga matataong lugar sa lungsod batay sa pagtitiyak ni Manila Police District Director Col. Arnold Thomas Ibay sa kanilang mga pulong.


Nanawagan din ang lady mayor sa mga shoppers na iwasan ang pagsusuot ng mamahaling alahas na maaaring makatukso sa masasamang elementong o mawala sa sobrang dami ng tao.

Ipinanawagan din ng alkalde sa mga magulang na huwag nang magdala ng maliliit na bata kung saan sila mamimili dahil sa pagiging ‘inconvenient’ hindi lamang sa bata kundi sa kanila mismo.


Ayon umano sa ulat ng pulisya, ang mga kaso ng nawawalang bata ay nagiging dagdagproblema lamang sa mga kapulisan na ang pangunahing trabaho ay magpanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga matataong lugar.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like