Ipinapayo ni Mayor Honey Lacuna ang patuloy na pagsusuot ng face mask dahil narito pa rin umabo ang COVID. (JERRY S. TAN)

ANDITO PA ANG COVID, MAG-FACEMASK — Mayora Honey

ANG mababang bilang na naitatalang aktibong kaso ay ‘di nangangahulugan na mababa na ang aktwal na kaso ng COVID.

Ito ang binigyang diin ni Manila Mayor Honey Lacuna, kasabay ng payo niya sa lahat ng Manilans na ituloy lang ang pagsusuot ng face masks lalo na kung hindi maiiwasan ang physical distancing, kahit na ginawa itong optional.

Sinabi ni Lacuna, na isang doktor na madalas siyang tinatanong tuwing siya ay nag-iikot kung kailangan pa rin ang pagsusuot ng face masks dahil siya man ay laging nakasuot nito.


“Optional na ito, dangan lamang ay di maiwasan ang pagdidikit-dikit o mahirap ang pagpapatupad ng physical distancing especially pag me okasyon halimbawa dumalo kayo sa fiesta o nagpunta sa Church, nanood ng concert o basketball. Dikit-dikit ang mga tao dun,” sabi niya.

“Pag di nyo masiguro ang social distancing, dapat naka-mask pa din kayo kahit na ‘optional’ na ang paggamit. Tutal nakasanayan na, di naman masama kung di kayo nababagabag. Alalahanin nyo, andiyan pa din ang COVID at naghihintay lang na kayo ay madapuan,” dagdag pa ng alkalde.


Ayon kay Lacuna, totoo man na ang mga recorded number ng COVID cases ay bumaba, dapat ding tandaan na hindi lahat ay nagpapakita ng sintomas. Sa RT-PCR test ibinabase ang naitatalang kaso.

Sinabi pa ni Lacuna na ang may mga mild na sintomas ay di na kailangan pang magpa-swab test at sa halip ay mag-antigen testing na lang na madaling bilhin at gawin sa loob mismo ng bahay. Kapag nag-positive ang resulta, kailangang mag- isolate na hanggang tuluyang gumaling.


Ang mga ganitong kaso, ayon kay Lacuna, ay hindi na itinatala ‘di katulad ng mga nag-positive gamit ang RT-PCR test na opisyal na proseso ng testing para sa COVID cases.

“‘Yung sa RT-PCR, which is the official, ‘yan lang nare-record. So, it doesn’t mean na pag mababa ang count, mababa na din ang mga kaso. Ako ay nagpapayo lamang na ipagpatuloy ang pagsuot ng face masks especially sa indoor at kahit sa outdoors dahil with exception yan,” dagdag pa ng lady mayor.

Pinaalalahan din ni Lacuna ang lahat ng Manilans na ang pagsusuot ng face masks ay mandatory pa rin sa loob ng hospitals, clinics, laboratories, nursing homes, medical transport facilities, paramedic rescue vehicles, ambulances at maging sa mga public transportation. (JERRY S. TAN)

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read