Latest News

Sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo bilang mga sponsor sa isang nakalipas na 'mass wedding' na ginanap sa ilalim ng pangangasiwa ng pamahalaang-lokal ng Maynila. (JERRY S. TAN)

Abril 30, deadline para sa pagpaparehistro sa libreng civil and church wedding sa Maynila

By: Jerry S. Tan

Inihayag ni Mayor Honey Lacuna na ang deadline para sa pagpaparehistro ng mga gusto ng libreng civil at church wedding ay itinakda sa April 30, 2024.

Ayon kay Lacuna, may limit sa bilang ng mga pares na ikakasal na maaring ma-accommodate lalo na sa kasal sa Simbahan at ang pagtanggap ng mga magpaparehistro ay ‘first-come, first-served basis.’


Bagama’t at ang limit para sa mga aplikante sa libreng kasal sa Simbahan ay 100 na pares lamang pagdating sa civil wedding ay maari namang lumagpas sa nasabing bilangm anang alkalde.

Sinabi din ni Lacuna na tanging ang mga nakakumpleto ng requirements lamang ang i-entertaine at isasama sa ‘Kasalang Bayan 2024’ na gaganapin sa June ng kasalukuyang taon.

Napag-alaman kay Encar Ocampo, hepe ng Manila Civil Registry Office, na alinsunod sa order ng alkalde, ang libreng kasal ay may kalakip na libreng marriage license, wedding cord at veil, flower bouquet, arrhae (wedding tokens), reception at venue, wedding rings, church marriage at wedding service.


Ang civil at church wedding applicants ay kapwa obligadong magpakita ng certificate of no marriage (CENOMAR), marriage license na inisyu ng Manila Civil Registry at affidavit of cohabitation (para sa edad 23 o higit pa na nagsasama na sa nakalipas na limang taon at may anak na o mga anak na), birth certificate ng mga anak , birth certificate at valid identification card na naka-address sa Maynila na dapat ay government-issued.

Para naman sa Church wedding registrants, sila ay kailangang magproduce ng karagdagang dokumento, ? baptismal certíficate, ??confirmation certíficate, ?marriage banns (para sa mga hindi kabilang sa parish of Intramuros, interview/ church seminar.


Ayon pa kay Ocampo ang lahat ng interesado ay maaaring magpunta sa Manila Civil Registry Office sa Room 117, Ground Floor, Manila City Hall Arroceros St. Ermita Manila.


Tags: Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like