PINAPURIHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Sta. Ana Hospital (SAH) sa ilalim ng pamumuno ng direktor nitong si Dr. Grace Padilla dahil sa nakamit nitong ‘5-Star Certificate of Level of Accessibility Award 2023.’
Sinabi ni Lacuna na nakuha ng SAH ang five-star award o 100 percent mark sa Accessibility Audit na ginawa ng United Architects of the Philippines (UAP) Quezon City Chapter, sa pakikipagtulungan ng Architects for Accessibility (AFA). Iginawad ang certification noong January 5, 2023.
Binubuo ang team of auditors ng mga sumusunod: Arch. Grace M Quebral (Past President, UAP QC Chapter, and AFA; Arch. Elise Sophia Francisco-Tabong (Past President UAP QC Chapter and AFA); Arch. Justin Owen S. Francisco Pres. UAP QC Central and AFA at Arch. Enrico G. Abordo, Co-founder AFA Past President, UAP QC Central.
Ipinagmamalaki ng lady mayor na tanging ang SAH ang unang local government hospital (LGU) sa bansa na matagumpay na nakapasa sa accessibility audit.
“This means that SAH is a friendly institution for persons with disabilities having 100 percent mark on the following structural accessibility features: ramp access, toilet access, parking slot, signages; non-skid flooring; entrance doors; corridors; handrails; tactile flooring; blinking lights, stairs elevators, and installation of PWD office/kiosk,” sabi niya.
Sa kanyang bahagi ay pinasalamatan ni Padilla si Lacuna, ang UAP at ang AFA dahil sa espesyal na pagkilala at sinabing magsisilbing inspirasyon ito sa kanya at sa lahat ng nasa likod ng operasyon ng SAH at upang mapagbuti pa ang kanilang serbisyo.
Ayon pa kay Padilla, ang kredito ay para na din sa mga bumubo ng medical team at mga staff sa pangunguna ng kanyang chief of staff na si Midas Capinig, dahil sa kanilang dedikasyon at pagsisikap upang makahanap pa ng mga paraan para lalong mapagsilbihan nang maige ang lahat ng mga nanghihingi ng tulong-medikal sa kanilang ospital. (JERRY S. TAN)