4 -taong pagkabilanggo sa gurong nagpakain ng mga dumi sa estudyante

Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang hatol ng Court of Appeals (CA) sa isang guro na nagpakain ng “basura” sa kanyang estudyante matapos mapatunayang guilty sa RA 7619l0 o child abuse.

Sa apat na pahinang ruling ng SC na may petsang Enero 22, ibinasura rin ang petisyon ng akusado na si Melany Garin.


Si Garin ay hinatulan ng apat na taon,siyam na buwan at 11 araw hanggang anim na taon, walong buwan at isang araw na pagkabilanggo.

Inatasan rin si Garin na magbayad sa bata ng kabuuang P75,000 kung saan P20,000 ay para sa moral damages; P20,000 sa exemplary damages;P20,000 sa temperate damages at P15,000 multa.

Lahat ng danyos na pinabayaran kay Garin ay may legal interest na 6 percent kada taon mula sa finality ng resolusyon hanggang ito ay mabayaran niya ng buo.


“On this score, petitioner’s act of forcing the victim, AAA, and his classmates to place in their mouths pieces of trash, consisting of scraps of paper, pencil shavings, dirt, and candy wrappers from the classroom’s dustpan, undoubtedly debased, degraded and demeaned their intrinsic worth and dignity as children,”ayon sa ruling ng SC.

Ayon pa sa SC, dumanas ang bata ng.lead poisoning at nagkaroon ng post-traumatic stress disorder.


“As eloquently pronounced by the CA, no self-respecting human being would voluntarily place pieces of garbage in his or her mouth unless unduly coerced to do so,” dagdag pa sa desisyon. (Anthony Quindoy)


Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like