PINAYUHAN ni Infectious disease expert Dr. Edsel Salvana, ang publiko na huwag munang magpabakuna ng 2nd booster o 4th dose ng COVID19 vaccine.
Ayon kay Saldama sa ginanap na Laging Handa briefung ,pinag-aaralan pa ang “efficacy” nito bukod pa sa maraming indibiduwal ang hindinoa nabibigyan ng primary vaccines at sila muna ang dapat na unahin ng gobyerno.
“Sa tingin ko ipagpaliban muna natin, unang-una siyempre marami pa rin ang hindi nakakakuha ng kanilang primary series kaya kailangan talaga natin i-prioritize ‘yung mga ‘yun,” ayon kay Salvana.
“Second, kung kaunti na lang ‘yung nadadagdag na protection plus the fact na kukuha ka ng bakuna, baka hindi na rin ganoon kaepektibo ‘yung nadadagdag versus having a fourth dose and maybe later baka mas maganda pa ‘yung mga vaccines na lumabas na puwedeng ibigay as a fourth dose so sa ngayon ang recommendation natin, do not get a fourth dose, do not get a second booster muna dahil hindi pa tiyak ang efficacy nito versus any possible side effects,”paliwanag ni Saldana.
Sinabi pa ni Saldana ,nasa desisyon ng Food and Drug Administration (FDA) kung papayagan nila ang pagbibigay ng booster shot para sa edad 12-17.
Ayon pa kay Saldana hindi pa maipapatupad ang pagtanggal sa suot na facemaak dahil ito ay epektibong panlaban sa hawaan ng virus.
“‘Yung mask po siguro talaga sa ngayon is one of the last things we will remove,” dagdag nj Salvana.
Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi oa tapos ang pandemic sa Pilipinas pero nalampasan na ang krisis sa Omicron variant.