Latest News

27-ANYOS NA LALAKI, ARESTADO SA ‘SEXTORTION’ SA REKLAMO NG CHATMATE

By: Baby Cuevas

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Anti Cyber Crime Team sa isang entrapment operation ang isang 27- anyos na lalaki, matapos inireklamo ng kanyang ka-chatmate ng sextortion.

Ang suspek na dinakip amakalawa ng gabi sa Governor Fortunato Halili Avenue, Bocaue, Bulacan ay kinilala ni PCpt Marlon Flores,team leader ng MDACT na si Ravinner Denusta Cruz , 27, ng No. 047 MH Del Pilar St., Bagumbayan,Bocaue,Bulacan.

Isinagawa ang operasyon alas- 6:40 ng gabi sa nabanggit na lugar nang sumakay na sa motorsiklo ng suspek ang biktimang si Jane, di tunay na pangalan ,27 ng Dapitan Street, Sampaloc, Maynila, para magtungo sa Viera Hotel.


Una nang inireklamo ng biktima ang suspek sa MDACT dahil sa banta nito na ikakalat sa social media ang mga hubad niyang larawan kapag hindi siya nakipagtalik at nagbigay ng pera.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay nagreklamo ang biktima sa pulisya at dun na pinlano ang entrapment operation laban sa kanya.

Nasamsam sa suspek ang isang Iphone 11 at tatlong identification cards.

Samantala, sinampahan na ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office ng kasong paglabag sa Art. 286 (Grave Coercion) ng RPC, R.A. No. 9995 “Anti Photo and Video Voyeurism” at R.A. No. 9262 also known as “Violence Against Women’ and their Children’s Act” ma pawang may relasyon sa Section 6 ng R.A. No. 10175 kilala bilang “Cybercrime Prevention Act of 2012.”


Tags:

You May Also Like

Most Read