Inanunsiyo ni Mayor Honey Lacuna na magsasagawa muli ang PESO na pinamumunuan ni Fernan Bermejo ng isang job fair kung saan 2,500 job vacancies ang iaalok sa mga taga-lungsod. (JERRY S. TAN)

2,500 TRABAHO, ALOK SA KALINGA SA MAYNILA NGAYONG HULYO 3

By: Jerry S. Tan

UMAABOT sa 2,500 job vacancies ang nakatakdang ialok sa ‘Kalinga sa Maynila PESO Job Fair’ na gaganapin sa Maynila sa Hulyo 3, 2024 (Miyerkules).

Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na ang nasabing job fair ay gaganapin mula 8:00 a.m. hanggang 12:00 ng tanghali sa Guadalcanal St. sa Sta. Mesa, Manila.Sakop ng nasabing forum ang mga Barangays 594, 595, 596 at 597 at magsisimula ito ganap na alas-7:00 ng umaga.

Sinabi naman ni Public Employment Service Office (PESO) chief Fernan Bermejo na ang employment opportunities ay bukas sa lahat ng high school graduates, college level, college at tech/voc graduates.


Dagdag pa ng alkalde, ang job fair ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLEA-NCR) at DOLE-NCR Manila Field Office.

Pinapayuhan naman ang mga aplikante na magsuot ng casual attire, magdala ng 10 kopya ng resume at sariling ballpen at sumunod sa standard public health protocols.

Hinihikayat rin ng alkalde ang mga Manilenyo na walang trabaho na subukan ang kanilang kapalaran dahil marami sa mga nag-a-apply ang natatanggap on the spot.

Sa nasabing ‘Kalinga sa Maynila’, magkakaloob rin ang Manila City Government ng mga pangunahing serbisyo gaya ng medical consultation, basic medicines, deworming, rabies vaccination, civil registry, tricycle, parking registration, PWD/solo parent/senior citizen IDs, clearing/flushing operations, water/electricity, building permit inquiries, notary services, at police clearance.


Inaasahang lalahukan ito ng mga pinuno ng iba’t-ibang departments, bureaus at offices, sa pangunguna ng MTPB – Manila Traffic and Parking Bureau, Department of Public Services-Manila, Department of Engineering and Public Works, Manila Police District, Manila Barangay Bureau, Manila Civil Registry Office, City Legal Office, Manila, Manila Health Department, Manila Department of Social Welfare, PESO -Manila, Manila OSCA, Manila Veterinary Inspection Board at City Treasurer’s Office-Manila.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read