Latest News

Pinagpulungan nina (mula kaliwa) Secretary to the Mayor Bernie Ang, Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna at city administrator Felix Espiritu ang mga gagawing hakbangin ng Maynila laban sa COVID-19 at mga posibleng bagong variants nito. (TSJ)

2,500 kahon ng inorder na Bexovid ng Maynila, dumating na

DUMATING na sa Maynila, ang may 2,500 kahon ng Bexovid na nauna ng binili ni Aksyon Demokratiko presidential bet at Mayor Isko Moreno ay dumating na sa Maynila at handa para. ipamigay nang libre sa mga pasyente ng COVID-19 na edad 12 pataas .

Nabatid kay Moreno, ang nasabing batch ng gamot ang siyang pinakahuling karagdagan sa stock ng pamahalaang lungsod na mga gamot laban sa COVID-19 para ipamigay ng libre sa mga nangangailangan nito, maging sa taga-Maynila man o sa iba pang panig ng bansa.

Sinabi ni Moreno na ang pagbili ng nasabing gamot ay iminungkahi sa kanya ni Vice Mayor Honey Lacuna at runningmate Willie Ong.


Ang nabanggit na gamot ay makakatulong sa mga may mild hanggang moderate na kaso ng COVID-19 maging sa mga minors.

“Ang nasabing gamot po ay may 90% efficacy in preventing hospitalization and death in high-risk patients. Ang intake po nito ay two tablets of Nirmatrelvir and one tablet of Ritonavir, twice a day for five days,” ani Moreno .

”Kapit lang po mga minamahal kong kababayan. Sama-sama po tayo dito sa laban na ito. May gobyerno po kayong masasandalan sa lahat ng oras. Walang bibitaw,”dagdag ni Moreno.

Magugunita na Enero ng kasalukuyang taon nang bigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng compassionate special permit (CSP) ang Maynila para sa Bexovid. Ito ay ang unang generic version ng Pfizer na Paxlovid, na siyang kauna-unahang oral treatment sa COVID-19 na una ring pinayagang gamitin sa United States.


Ayon sa FDA ang Bexovid ay nakakatulong upang mabawasan ng 88 hanggang 89 percent ang panganib na maospital at mamatay ang isang pasyente mula tatlo hanggang limang araw simulang lumitaw ang sintomas ng COVID-19.

Tiniyak rin ni Moreno na patuloy sa paghahanda ang lungsod sa sandaling may lumitaw na panibagong variant at sa katunayan ay kanila itong pinagpulungan nina Secretary to the Mayor Bernie Ang, Vice Mayor Lacuna at city administrator Felix Espiritu ang tuloy-tuloy na mga hakbangin laban sa COVID-19 gaya ng pagbili ng mga gamot. (Baby Cuevas)

Tags:

You May Also Like

Most Read