Tinanggap ni Mayor Honey Lacuna mula sa ICTSI Foundation ang 235 units ng Smart TV para magamit ng mga guro sa R. Almario Elementary School. (JERRY S. TAN)

235 SMART TV, P30-M HALAGA NG MEDICAL INSTRUMENTS, TINANGGAP NI MAYOR HONEY SA ICTSI

By: Jerry S. Tan

Personal na tinanggap ni Manila Mayor Honey Lacuna mula sa International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) Foundation ang kabuuang 235 units ng 50-inch Smart television na ikakabit sa bawat silid-aralan ng Rosauro Almario Elementary School (RAES), gayundin ang P30 milyong halaga ng medical instruments para sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC).

Kaugnay nito ay pinasalamatan ni Lacuna sina ICTSI chair at president Enrique Razon, Jr., executive vice president Christian Gonzales at Foundation Deputy Executive Director Filipina Laurena sa donasyon na kanilang ipinagkaloob sa bagong gawang 10-palapag na RAES, na tiyak aniyang pakikinabangan ng tinatayang aabot sa 7,000 estudyante mula sa Tondo.


Masuyong hinalikan ni Mayor Honey Lacuna ang ulo ng mag-aaral na nag-alay ng bulaklak sa kanya sa RAES sa Tondo. (JERRY S. TAN)

โ€œNapakaswerte po ng RAES…. 11 lang po ang naibigay naming TV e ang daming classrooms… sinagad ng ICTSI foundation may 50-inch Smart TV nang mai-install sa classrooms… lahat ng classrooms ay magkakaroon na,” ayon kay Lacuna. โ€œAyon sa experts, ang paggamit ng Smart TV ay lubos na nakapagpapahusay sa ugnayan ng mag-aaral sa pamamagitan ng visual aid. Dati mga paper, cards, illustration boards pero ngayon hi-tech na talaga, para din mapanatili ang interes ng mga mag-aaral.โ€

Tinukoy rin naman ng alkalde ang pangangailangang yakapin ang moderno at ‘innovative’ na pamamaraan sa pagtuturo sa mga mag-aaral.

โ€œKami po sa pamahalaang-lungsod ay di mahihiyang manghingi. Alam nyo naman na di sapat ang pondo natin kaya masuwerte tayo at may mga kaibigan tayong gaya ng foundation na ni minsan ay di kami hinindian,โ€ ani Lacuna, na ang tinutukoy ay ang ICTSI.


Aniya pa, โ€œSana ay lalong mapalawak ng ating mga guro ang pagtuturo sa paralan… salamat sa inyong busilak na puso at muli ang aming taos-pusong pasasalamat. Makakaasa po kayo na ang amin pong mga paaralan ay talagang magsisikap na maitaas ang antas ng edukasyon.โ€

Nanawagan rin naman ang alkalde sa mga guro na pangalagaan ang mga teaching equipment na ipinagkakaloob sa kanila.


Aniya, “Sa mga guro na magsispaggamit ng Smart TV, ang pakiusap ko ay ingatan po natin ito dahil hindi lahat ng oras ay may mabubuting tao na tumutulong sa atin. Alam ko na sa inyong tiyaga ay malaking kaginhawaan sa inyong parte at maipagyayabang nyo po sa ibang guro na tulad nyo na kami sa RAES talagang high-tech na.โ€

Samantala, inihayag rin ni Lacuna na nagpadala rin ng tulong ang ICTSI sa GABMH, na pinamumunuan ni Director Dr. Ted Martin.


Ayon kay Lacuna, nagkaloob ang foundation ng P30 milyong halaga ng mga top-of-the-line medical instruments para sa ENT department, na inaasahang pakikinabangan ng mga residente ng unang distrito ng Tondo.

Ang bagong gusali ng RAES ay matatandaang pinasinayaan ni Lacuna noong Enero lamang.

Mayroon itong 227 silid-aralan, na pawang fully-airconditioned, 12 tanggapan, library, canteen, auditorium, gymnasium, dalawang outdoor basketball court na may retractable goal na convertible sa football field, dalawang roof deck outdoor sport at exercise area, walong elevator units at pitong stairs node.#



Bukod sa RAES ay nagsagawa din ang lungsod ng Maynila ng rehabilitasyon ng Dr. Alejandro Albert Elementary School at Manila Science High School.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read