Latest News

2-ANYOS NA BABAENG PASLIT, NILAPA NG 4 NA ASO, KRITIKAL

By: Philip Reyes

Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang dalawang- taong gulang na batang babae matapos lapain ng apat na aso sa Calbiga, Samar.

Napag-alaman na ang nasabing bata ay sugatan sa iba’t-ibang bahagi ng katawan lalo na sa mukha at natanggalan ng tenga at bahagi ng pisngi ng kanyang puwitan.


Naganap umano ang insidente sa Barangay Timbangan sa bayan ng Calbiga.

Lumilitaw sa paunang imbestigasyon ng pulisya na ang bata ay pansamantalang iniwan ng kanyang ina sa lola noong hapon ng Marso 9, 2024.

Gayunman, nagawang makapuslit ng bata dahil humahabol ito sa kanyang ina.


Doon na umano nangyari na ang bata ay inatake ng apat na aso na pag-aari ng mga residente, hanggang sa mapuna ito ng mga barangay tanod sa lugar.

Kasalukuyang inoobserbahan ang mga aso na diumano ay pawang walang bakuna na anti-rabies.


Samantala, nangako naman ang mga may-ari ng aso na tutulong sa medical expenses ng biktima na naka-confine sa Samar Provincial Hospital.


Tags: Barangay Timbangan, Calbiga

You May Also Like

Most Read