LABINGWALONG Punong Barangay mula sa anim na distrito ng Maynila ang kinilala bilang “Most Outstanding Chairmen” sa isang simpleng seremonya sa Bulwagang Villegas sa Manila City Hall, kamakailan.
Ang nasabing mga punong barangay ay pinapurihan nina Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo, Liga ng Mga Barangay head, Manila Councilor Dr. Lei Lacuna, chief of staff ng alkalde na si Joshue Santiago, Manila Barangay Bureau Director Diosdado Santiago at Department of Interior and Local Government (DILG) – Manila Director John Visca.
Sinabi ni Mayor Honey na ang paggagawad ng karangalan sa mga natatanging punong barangay, na ginagawa taun-taon, ay kaugnay pa rin ng isang-buwang selebrasyon ng 452nd founding anniversary ng Araw ng Maynila noong June 24.
Tatlong punong barangay ang pinili kada isang distrito sa lungsod at pinagkalooban ng plake ng pagkilala sa kanilang husay at dedikasyon sa kanilang gawain sa kani-kanilang nasasakupan.
Pinuri ng lady mayor ang mga nasabing barangay leaders na napili base sa inilatag na pamantayan ng DILG, LnB at ng MBB, na may panawagan na ipagpatuloy nila ang kanilang mabuting gawa para sa kapakinabangan ng kanilang nasasakupan at ng lungsod.
Sa kanyang bahagi, pinuri ni Councilor Lei Lacuna ang mga barangay awardees dahil nagawa nilang malagpasan ang hamon sa kanilang nasasakupan at sa paggawa ng mabuting ehemplo para pamarisan ng iba.
Ang mga binigyan ng karangalan ay ang mga sumusunod: District 1—PB Venerando B. Pancho, Brgy 121; PB Dionisio B. Litiatco, Jr., Brgy 103 and PB Giovanni L. Tizon, Brgy 72; District 2— PB Oscar P. Guevarra, Jr., Brgy 180; PB Glenn O. Naguit, Brgy 241 and PB Inoria I. Sy, Brgy 207; District 3— PB Ultramine C. Nieto, Brgy 276; PB Steven K. Yap, Brgy 282 and PB Eliza S. Franco, Brgy 349; District 4— PB Freddie V Bucad, Brgy 452; PB Arnaldo Q. Rotap, Brgy 507 and PB Brenda S. Puertollano, Brgy 409; District 5— PB Basilia B. Boliche, Brgy 807; PB Erlinda B. Divinagracia, Brgy 696 and PB Roel S Grajo, Brgy 698; District 6, PB Maria Teresa M. Jordan, Brgy 612; PB Aida A. Legaspi, Brgy 903 and PB Teresita M Sangil, Brgy 866.