Latest News

Iniimbita ni Mayor Honey Lacuna ang mga taga-Maynila na sumali sa job fair sa May 1, 2023 sa San Andres Complex. Nasa likuran niya si PESO chief Fernan Bermejo. (JERRY S. TAN)

15K TRABAHO, IBIBIGAY SA MANILENYO SA LABOR DAY

By: Jerry S. Tan

MAGANDANG balita sa mga Manilenyong naghahanap ng trabaho.

Inaanyayahan ni Mayor Honey Lacuna ang lahat na naghahanap ng mapapasukan na dumalo sa job fair na inorganisa ng local government sa May 1, 2023, na kasabay sa paggunita ng Labor Day, kung saan 15,000 trabaho ang naghihintay.

Tinawag na “MANILAbor Day: Buhay at Kabuhayan tungo sa Maringal na Maynila,” ang nasabing job fair ay lalahukan ng halos 100 employers.

Ayon kay Lacuna, magsisimula ang Manila City Job Fair alas-9 ng umaga hanggang 3 p.m., sa Lunes sa San Andres Sports Complex na nasa fifth district.

“Almost 100 Employers with 15,000 job vacancies for high school graduates, college level, college and tech/voc graduates,” sabi ni Lacuna .

Ang naturang event ay pamamahalaan ng Public Employment Service Office – City of Manila sa pamumuno ni Fernan Bermejo, sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment – National Capital Region, DOLE NCR Manila Field Office.

Pinaalalahanan ng lady mayor ang lahat ng interesadong applikante na magsuot ng casual attire, magdala ng sariling ballpen at 20 kopya ng resume at sumunod sa minimum public health standards.

Nito lang nakalipas na mga araw, ang ?“Kalinga Sa Maynila PESO Job Fair” na ginawa sa De Pinedo, San Andres, District V, Manila ay nakapagbigay ng trabaho sa ilang mga joblesss na residente.

Agad na binati ni Lacuna ang mga hired on the spot (HOTS) at pinasalamatan ang partner-employers ng city government pati na ang DOLE sa tulong sa paglikha ng trabaho na maaaring makapagpabago sa buhay ng mga dating walang trabaho.

Tiniyak ni Lacuna na ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay hindi titigl sa paghahanap ng paraan kung paano higit na mapagsisilbihan ang mga residente, lalo na ang mga nangangailangan ng trabaho upang makatulong sa kanilang sarili at pamilya para maging produktibong miyembro ng pamayanan at lipunan sa pangkalahatan.

Tags:

You May Also Like

Most Read