Latest News

Si Mayor Honey Lacuna sa paggunita ng pagkasawi ng 100,000 sibilyan sa Maynila noong panahon ng giyera taong 1945. (JERRY S. TAN)

100,000 SIBILYANG PUMANAW SA MAYNILA SA WORLD WAR NG 1945, GINUNITA SA MAYNILA

By: Jerry S. Tan

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang paggunita sa 79th anniversary ng “Battle for Manila” at ng unveiling anniversary ng Memorare-Manila 1945 Monument sa Plazuela Sta. Isabel , Intramuros, Manila, kasabay ng panawagan sa mga Manileño na humugot ng lakas sa ‘madilim’ na bahaging ito ng kasaysayan ng lungsod.

Kasama ni Lacuna ang mga ambassadors, members ng diplomatic corps, officials, Congressmen at Councilors mula sa six districts ng Maynila at kinatawan mula sa national government agencies at private organizations sa pagbibigay-galang sa memorare na itinayo para bigyang parangal ang mga nasawi sa digmaan noong 1945.

Kasama rin sa wreath-laying ceremony ang mga lider mula sa Armed Forces of the Philippines, National Historical Commission of the Philippines, Intramuros Administration at Memorare- Manila 1945.

“Let us honor their (civilian casualties) memory and draw strength from their resilience as we strive for a future of peace, prosperity, and unity,” pahayag ni Lacuna sa kanyang munting mensahe, at idinagdag na: “This monument here was erected in honor of those whose lives were sacrificed during that Battle for Manila. We are given the opportunity to remember the past and work hard not to repeat the war but to embrace good relations between and among people and nations, to avoid misunderstanding and to maintain peace in all corners of the world,” aniya,

Sa salaysay ng alkalde, mula Feb. 3 hanggang March 3 ay umulan ng bomba sa Maynila dahil sa pagtatapos ng World War II, habang ang mga kawawang non-combatant civilians ay pinagpapatay, tinorture at ginahasa kung saan tinatayang 100,000 ang naging casualties sa Maynila, na pangalawa sa pinaka-nawasak na lungsod, kasunod lamang ng Warsaw, Poland.

Dahil sa ang mga survivors ay nawalan ng kakayahang magsalita o nawala ang katinuan, umabot ng halos kalahating siglo bago nadokumento ang pangyayaring naganap sa loob ng isang buwan, hanggang noong 1955 ay tinawag ito ng mga historians bilang `Liberation of Manila’ na dapat sana ay `Battle for Manila’.

Samantala, ang Memorare Monument ay itinayo bilang ala-ala ng mga nasawi sa `Battle for Manila’

Habang ang Intramuros ay hindi na talaga nakabangon matapos ang walang kabuluhang pagkasira ng naggagandahang colonial churches, schools at eleganteng mga bahay, hindi matutumbasang historical records, libraries at art collections ay tuluyan na ring naglaho.

Ayon kay Lacuna, habang ang pre-war elegance ng distrito ng Pasig River, Ermita, Malate at Sta. Ana, ginagawa ng city government ang lahat upang gawing mas maganda ang nasabing lugar sa pamamagitan ng maraming modern, high-rise facilities na siyang lalong nagpapaganda sa landscape at naitatago ang pilat na likha ng digmaan at pagkawasak.

“That battle which transpired 79 years ago, was a dark chapter for Manila. After almost eight decades, our city has fully recovered from yesterday’s bloody battles. We are all enjoying the light of the sun that shines on us in a more peaceful, free, orderly and energetic place to live as a vibrant city that we now have in Manila,” Sabi ng alkalde.

” This administration of the city government of Manila values life, ensuring that every Manilenyo is well taken care of and that everyone has access to high standard of public service. We are working vigorously for the realization of a Magnificent Manila and be recognized as a world class city in the nearest future,” dagdag pa nito.

Tags:

You May Also Like

Most Read