1,000 VINTAGE BOMBS, WINASAK NG MPD-DECU

By: Itchie G. Cabayan

WINASAK ng Manila Police District-District Explosive and Canine Unit (MPD-DECU) at Regional Explosive and Canine Unit (NCR-RECU) ang nasa mahigit 1,000 vintage bombs na mula sa iba’t-ibang lugar at operasyon sa Maynila.


Ang pagsira sa mga vintage bombs ay ginawa kamakailan sa Crow Valley Gunnery Range, Sta Juliana, Capaz, Tarlac.Crow Valley Gunnery Range, Sta Juliana, Capaz, Tarlac.

Ayon kay PCPT Christopher Millan, hepe ng DECU- Manila, nagsimula ang kanilang operasyon alas- 5:30 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Kabilang sa winasak nuong Pebrero 12 ang mga Unexploded Explosive Ordnance (UXO), Explosives in Remnants of War (ERW) at iba pang Explosive Items, na nakuha sa iba’t -ibang lugar ng Maynila.


Bukod sa mga nabanggit, noong Pebrero 10, 2026 ay dinala ng mga awtoridad sa lugar ang may 60 piraso ng assorted UXO, ERW at iba pang explosive items na nakuha sa Maynila, kabilang ang 155MM Projectile Round (biggest), hand grenades at small arms ammunition (smallest) na kanilang inimbak at isinama sa Regional EOD at Canine Unit NCR, na nasa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City para sa ‘proper disposal.’


Tags: Manila Police District-District Explosive and Canine Unit (MPD-DECU)

You May Also Like