Inaasistihan si Mayor Honey Lacuna ni social welfare chief Re Fugoso sa pamamahagi ng libreng schoolbags na naglalaman ng sapatos at school supplies para sa mga kindergarten students. (JERRY S. TAN)

1,000 KINDER STUDENTS SA MAYNILA, NABIYAYAAN NG LIBRENG BAGS, SAPATOS AT SCHOOL SUPPLIES MULA KAY MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Hindi bababa sa 1,000 mag-aaral sa Maynila ang nabiyayaan ng mga libreng bag na maylamang rubber shoes at school supplies mula kay Manila Mayor Honey Lacuna.

Kaugnay niyan ay pinasalamatan ni Lacuna ang mga magulang dahil sa maagang pagpapa-enroll sa kanilang mga anak sa paaralan at paghikayat sa mga ito na mag-aral mabuti.


Nanawagan din siya sa mga magulang na habaan ang kanilang pasensiya sa kanilang mga anak at huwag magsawang gabayan ang mga ito hanggang sa tuluyan nang makatapos ng kanilang pag-aaral.

Sa mga estudyante, pinayuhan naman ni Lacuna ang mga ito na mag-aral mabuti at makinig sa payo ng kanilang mga magulang at mga guro, sa lahat ng oras.

Napag-alaman kay Re Fugoso, hepe ng Manila Department of Social Welfare, na ang mga tumanggap ng mga bag donations ay mga Kinder 1 at Kinder 2 students mula sa iba’t- ibang distrito sa lungsod ng Maynila.
Aniya, ang pamamahagi ng mga nasabing bags ay ginanao sa Fugoso (Delpan) Sports Complex at sa Barangay 830 na matatagpuan sa District 6.


Ayon kay Fugoso, ang mga bag ay ipinagkaloob ng alkalde sa mga mag-aaral bago pa magsimula ang kanilang klase sa Agosto 19.

Bukod sa isang pares ng rubber shoes, ang mga ipinamigaty na bags ay naglalaman din ng notebooks, mga lapis, raincoat, libro, hygiene kit at t-shirt, ani Fugoso.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like