Latest News

P1 one-way base fare, alok ng CEB sa piling local at international destinations

By: Jerry S. Tan

Inanunsyo ng Cebu Pacific (CEB) na simula Nobyembre 8 hanggang 11, 2023, maaaring mag-book ang mga manlalakbay para sa mga piling lokal at international destination sa halagang P1 one-way base fare na walang babayarang surcharge.

Sa abiso ng CEB, magagamit ang P1 one-way base fare sa panahon ng paglalakbay mula Abril 1 hanggang Oktubre 31, 2024.

Sinabi ni CEB spokesperson Carmina Romero na dapat umanong planuhin nang maaga ng mga pasahero ang pagkuha sa pamasahe ng naturang halaga bilang regalo ng nasabing air carrier sa mga manlalakbay na patungong Laoag, Dumaguete, Ozamiz, Davao, Tacloban at Cebu.


Maari ding mamasyal ang mga bisita sa international destination sa pamamagitan ng direktang flight mula Maynila , Cebu o Clark. patungo sa Hong Kong, Taipei, Macau, Bangkok at Ho Chi Minh, dagdag pa ni Romero.

Kasalukuyang lumilipad ang Cebu Pacific sa 35 domestic at 25 international destinations sa buong Asia, Australia at Middle East.


Tags: Cebu Pacific (CEB)

You May Also Like

Most Read